
this picture was taken during 4th of july, sa isang lake kami nag sama sama at nanuod ng fireworks at sakto may break water sa tapat ng bahay at naka pag shoot kahit sandali..
so lets talk about this set up. ang unang unang gwin mo muna is i proper expose mo muna yung sunset mo kung maari wag mong gwing long exposure or lalagpas sa 1sec ang exposure mo. timplahin mo lang gamit ang iso at ilagay mo sa wideopen yung f/stop mo.kase baket? pag lumagpas ka sa 1sec mag bblurr na ung subject mo. kahit na sabihin mong naka tripod ka kung gumagalaw sya....
so oks na ang exposure mo..
let say ang settings mo is
1/50 sec.
f4.5
iso 400
proper exposed nang sunset
dito na papasok ang strobist.....
ang gamit ko dito ay canon 430exII na may cooling gel or blue gel bakit? kasi naka set up ung white balance ko sa manual at siguro nasa mga 900K ang color temp ng white balance ko, so pag kinuhanan ko to ng walang blue gel mag mumukang hellboy itong model ko.magiging pula.lol.. so ayon comonsense lang .. kase pag hindi ko ginawang warm ung white balance ko or nilagay ko sa auto... ang gagawin ng auto white balance mo is ggwing cool, which is mawawala ung effect ng sunset..
para naman sa flash naka shoot thru ako kase medyo malayo yung ilaw sa model kya kailangan ko ng pakalat na bagsak nang ilaw para buong katawan nya ang mailawan....
pano naman ang settings ng flash?
nasasayo yan ibat ibang subject kanya kanyang settings ng ilaw.. so hangat maari wag mong galawin ung setting ng camera kasi ok na sya.. pag under exposed ung subject mo lakasan mo lang ung flash mo.. or pag over hinaan mo lang.. simple..
*update... at sa strobist wag kang lalagpas ng 1/250 sec. dahil masyado nang mabilis ung shutterspeed nayon para mag sync sa flash mo.. ang kakalabasan pag sobra sa 1/250 sec. either kalahati lang makukuhanan mo or full black:P
No comments:
Post a Comment