
kung nabasa mo ung previous na post medyo maiintindihan mo na to kung papaano..
dito ang set up ng ilaw ay snooted.. nakita mo ung nasa dulo nang flash? parang cup na mahaba pero isalang ang ginagawa ng snoot, para ma i focus mo ung flash mo kung san mo lang gustong pabagsakin ung ilaw.. more control sa ilaw
highspeed photography.. ang kailangan mo dito timing at bilis
so anu nga ba yang nasa picture????
lighter yan na may powder..anung klaseng powder?bahala kna don. basta powder..
anywai... simple lang
din ang concept nito..
unahin ko munang ipakita yung set up ng ilaw

sa speed photography kailangan ng speed kya dapat ang shutterspeed mo mabilis.. pero diba nga ang sabi ko dun sa unang post hangang 1/250 sec. lang ang maximum sync nang strobe mo pag wireless... maliban nalang kung naka ettl cord ka or pocketwizard na trigger,, anywai. so ibig sabihin hangang 1/250 sec. lang ang kaya mong i push sa shutterspeed mo, so go i push mo lang hehe...
bakit ba kailangang 1/250 sec. kung pepede naman sa mas mababa...??? pde kaso... kya ko ina-advice na itaas mo, let say nasa lugar ka na masyadong maliwanag ang ilaw or (ambient light) pwedeng maapektuhan ung shots mo at mahaluan ng ambient light..mag kakaroon ng blurr or trail sa subject mo.. or tulad nung shot ko nayan black ang background once na nahaluan ng ambient light yan di na magiging pure black yan...
marami kang makikitang diy tungkol sa highspeed photography na ginagamitan ng ibat ibang klaseng trigger...
mayrong sound activated trigger na kpag nakarinig ng sound ay mag ttriger ung flash
mayron din na motion sensor trigger na once na hit ung particular na object mag ttriger ung flash..
pero hindi iyong ang ginamit ko sa shot na ito. lahat nayan manual..lol..
isipin mo kung pano?
simple lang. naka tripod ung camera ko,
naka set sa manual focus at naka focus na din kung san babagsak ung lighter,
ung flash naka set narin sa tamang exposure.
bilang ka ng 1.. 2.. .....3.. drop.. sakto mo lang na pag bagsak nung lighter na click mo nadin ung shutter, then pag hindi mo nakuha ulitin mo lang ulit, hangang sa maka kuha ka na nang gusto mong kuha...
so pano naman ung mga sound trigger at motion??
ang ginagawa lang nung mga sensor nayan ay nagagawa nilang i-trigger ung flash sa tamang oras.. like pag binagsak ko ung lighter nayon at narinig nya mag ttriger ung flash..
so pano naman ung shutter ng camera, pano mo pipindutin qng dimo alam kung kelan mag ttriger ung flash?
ganito ang ginagawa nila.. unang una dapat nasa madilim na lugar mo ito gagawin, ok lang kahit sa kwarto na may ilaw basta napaptay..haha
so inaayos muna nila lahat ng setting sa camera, focus, flash etc. na kailangan.
tapos ilalagay nila sa "bulb" ung shutterspeed nila..
akala ko ba dapat highspeed mabilis ang shutter? edi pag bulb mabagal..
yes, pero isipin once ok na ang lahat at pinatay mo ang ilaw, wala nang ambient light.!
wala na ding mag bblur sa subject mo kase ang tanging ilaw lang na papasok sa camera mo ay yung nang gagaling sa flash..kuha mo?
so ganun lang kasiple ung concept nito..
i ayos lahat.. bulb mode, flash power, focus at subject mo.. once na ok na ang lahat. patayin ung ilaw.. hold mo ung shutter at wag mong bbitawan hangat hindi nag fflash. ibagsak mo ung subject mo sa powder pag nag flash na bitawan mo na shutter mo.. ayon pasok na yon:)
*take note sa may mga sound trigger at motion trigger lang to..
No comments:
Post a Comment